Kukurugkugkog

Kurog’s First Year Anniversary iPhone 4S Giveaway!!!
Most of you don’t know that my blog celebrated it’s first year anniversary on December 23rd of 2011. I never would’ve remembered myself if my domain didn’t expire. Lols.

Well, to thank all of you for your support, I will be giving away an iPhone 4S. Yes, you read that right! An iPhone 4S!

The rules for this contest are simple and you can read them below..

1. Like my Facebook page:

2. Tweet and Share this post on Twitter and Facebook, then paste your statuses’ link on the comment section.

3. Click the like button below to like this post and view the final instruction.

To view the instruction, click the LIKE button.
<fb:like id="fbLikeButton" href="http://kukurugkugkog.com/kurogs-first-year-anniversary-iphone-4s-giveaway/" show_faces="false" width="450" post_id="7137"></fb:like>

Kung ito lang ang kaya kong gawin…
Nang unang beses mong sambitin ang pangalan ko,

Nagtaka ako dahil tila ba may kakaiba rito.

Parang alam ko na sa mga sandaling iyon

Ay dumating na ang pinakahihintay ko.

At sino ba naman ako upang sabihing

Nagkamali ang langit sa pagpili sa iyo?

Kung ito lang ang kaya kong gawin,

Ang puso ko’y ibibigay sa’yo

Gagawin ko ito ng buong katapatan

Maging hanggang sa kawakasan

Nang sa gayon, pag dumating na ang oras

Na ang ngalan ko sa bato’y iuukit na

Sa kabila ng lahat ng kamaliang nagawa,

Malalaman nilang doon ay ma’y isang tama

Dahil mamahalin kita magpakailanman

Kung ito lang ang kaya kong gawin.

Sa tuwing pinagmamasdan kita,

Sayong mga mata’y nakikita

Pagmamahal na wagas at totoo

Alam kong ito ay di magbabago

Di ko alam kung ano ang nagawa ko

Upang maging karapat dapat sa iyo.

Sa iyong mga ngiti, sa iyong mga yakap,

Sa iyong mga halik na sadyang napakasarap

Ako na siguro ang pinakamaswerteng lalaki

Sa buong mundo at buong uniberso

Kung ito lang ang kaya kong gawin,

Ang buhay ko’y iaalay sa’yo

Gagawin ko ito ng walang alinlangan

Maging hanggang sa kamatayan

Nang sa gayon, pag dumating na ang oras

Na sa mundo ako’y mamamaalam na

Sa kabila ng lahat ng kamaliang nagawa,

Malalaman nilang doon ay ma’y isang tama

Dahil mamahalin kita magpakailanman

Kung ito lang ang kaya kong gawin.

~Ito ay isinulat ko para sa’yo, sana ay magustuhan mo. Di ko alam kung ano ang tawag dito, tula ba o kung ano. Basta lahat ng ito ay totoo, galing dito sa puso ko.

‘Libre Lang Mangarap’ na Manalo sa Philippine Blog Awards
Libre Lang Mangarap na manalo sa Philippine Blog Awards 2011 kaya naman itong si Kuya Otip ko ay sumali na rin sa Bloggers’ Choice category. Medyo nega nga lang siya ng konti kase sinasabi niya na wala daw siyang pag-asa. Nangarap na nga lang, di pa nilubos. Hehe.

Binoboto ko itong si Kuya Otip hindi lang dahil kaibigan ko siya kundi dahil alam kong karapat-dapat siyang tawaging Bloggers’ Choice. Alam ko kase na maraming bloggers ang natutuwa sa kaniya.

Yung blog niya, sobrang emo pero sa personal, si Kuya Otip ay makulit at sobrang nakakatawa. Napakadaling pakibagayan at pakisamahan. Diba pareho lang ‘yon? Hehe. Basta. Alam ko, siya ang choice ko! Wag na kayo magreklamo. Hehe.

O siya, ibibigay ko na ang boto ko sa Libre Lang Mangarap (ni Kuya Otep) para sa 2011 Philippine Blog Awards Bloggers’ Choice.

Good luck po sa iyo. Love you! Mwah mwah tsup tsup! Hahaha! Miss na kita Kuya Otip ko!

Lahat ng Tao, Nagbabago…
“Lahat ng tao, nagbabago.” sabi ko sa Mama ko. Paano naman kase, paulit-ulit nalang kami sa diskusyon namin. “Hindi lang kase ako sanay na nagtataas na kayo ng boses pag kausap ko kayo.” sagot naman niya.

Oo, nagtataas ako ng boses pero hindi ibig sabihin non, lumalaban na ako o sinisigawan ko na ang Mama ko. Hindi ganon ‘yon. Aminado ako na nagtataas ako ng boses pero hindi ako galit. May punto lang akong gustong ipaintindi sa kaniya. Ang mama ko kase ang tipo ng “nanay” na sarado ang isip sa mga paliwanag. Madalas niyang sabihin na naiintindihan niya kung ano ang ibig naming sabihin pero sa totoo lang, sinasabi niya lang ‘yon para tumigil na kami sa pagpapaliwanag.

“Oo na, tingnan mo, simula ngayon di ko na kayo papakealaman”. Isang linya na madalas ko rin marinig sa kaniya. Hindi naman iyon ang gusto kong marinig mula sa kaniya. At ayokong mangyari na mawalan na siya ng pakealam sa amin ng kuya ko. Ang gusto ko lang mangyari ay maintindihan niya kami. Unawain. “Hindi na tulad ng dati na tulad nung bata pa kami na lahat ng bagay kailangan alam mo o nakasalalay sa inyo. Hindi na lahat ng bagay nangangailangan ng approval ninyo.” ang paliwanag ko sa kaniya.

Madalas kasing mangyari na kung tratuhin niya kami ay parang mga paslit parin. Tulad nung mga bata kami na lahat ng sabihin niya dapat nasusunod. “Hindi naman kayo napasama sa paghihigpit ko sa inyo.” ang depensa niya. Oo, hindi kami napasama at nagpapasalamat kami dahil doon. Pero sa kabilang banda, mayroon ding masamang epekto iyon sa amin. Hindi kami sanay humarap sa ibang tao at lagi kaming nahihiya na gumawa ng kahit anong bagay.

Simula bata pa kase kami ng kuya ko ay hindi na kami napayagan na gumawa ng kahit anong maibigan namin. Kailangan, lahat ay may approval ni Mama, na madalang pa sa patak ng ulang kung makuha namin. Ni hindi kami makapaglaro sa labas ng bahay namin dahil siguradong pamalo niya ang susundo sa amin o di kaya’y sasalubong sa aming pag-uwi.

“Yun ay dahil ayaw ko kayong masaktan.” ang muli niyang depensa sa kaniyang sarili. “Hindi nga kami nasasaktan sa labas, pero pamalo mo naman ang nanakit sa amin.” ang bwelta ko. “hindi ba mas masakit ‘yon? Bukod sa pisikal na sakit dulot ng pamalo, nasasaktan din kami emotionally dahil sa pagsigaw-sigaw mo at pati ego namin ay nasasaktan din dahil pinagtatawanan kami ng mga kalaro namin at ng mga kapit-bahay.” ang mahaba kong sagot sa kaniya. Lagi kaming inaasar ng mga tao dahil nga sa higpit ng Mama ko.

“Sino ba namang matutuwa na aalis ka ng umaga, uuwi ka ng gabi na? Tapos di ka man lang makaalalang mag-text.” tanong niya sa akin. “Bakit ba namin ginagawa? Kase ngayon namin binabawi yung mga bagay na hindi namin nagawa noong bata pa kami. Ni hindi kami makapunta sa birthday party ng kaibigan namin dahil siguradong kung alam mo yung bahay nila, pupuntahan mo kami at siguradong pahiya nanaman kami.” sagot ko sa kaniya. Naaalala ko nga nung minsang may magtanong sa akin ng “How would you describe your childhood?” ang sinagot ko ay “Honestly, I don’t remember having any childhood”. Pano ba naman, ni hindi namin naranasan ang masikatan ng araw maliban nalang kung may ipapabili siya sa tindahan o sa tuwing napasok kami sa eskwelahan. Ang buong buhay namin ay umikot lang sa apat na sulok ng bahay namin at sa eskwelahan.

Naaalala ko pa nga yung saranggola ko. Pinaghirapan ko ‘yong gawin na ako lang mag-isa gamit ang dyaryo, walis tingting at kanin bilang pandikit. Tuwang-tuwa ako nang matapos ko iyon. Lumabas ako ng bahay at pumunta sa may basketball court upang paliparin iyon. Nahirapan akong mapalipad iyon dahil mag-isa lang ako at walang kakilala doon. Ngunit dahil na rin sa pagpupursigi ko ay napalipad ko rin iyon. Ngunit ilang sandali pa lamang iyon sa ere ay narinig ko na ang sigaw ni Mama na galit na galit ay may dalang pamalo. Di pa man ako nakakalingon ay nasa tabi ko na siya. Inagaw niya mula sa kamay ko ang lata ng sardinas kung saan nakapulupot ang sinulid na pinag-ipunan ko pang bilhin at saka inihagis palayo sa akin.

Hinatak niya ako palayo mula sa kinalalagyan ng lata. Nakita kong may mga batang dumampot sa lata at tuwang-tuwang pinalipad ang saranggola ko. Habang hila ako ni Mama papalayo ay bigla akong napaiyak. Hindi dahil sa pamalo ni Mama kundi dahil habang pinapalipad ng mga bata ang saranggola ko, nakita kong sumabit iyon sa kable ng kuryente. Ni hindi man lang sinubukan ng mga bata na sagipin ang saranggola ko. Hinayaan lang nila iyon doon at nang muli ko iyong balikan ay nakita kong halos kalansay nalang ang natira.

Hanggang ngayon ay nanghihinayang parin ako dahil ni hindi ko man lang na-enjoy ang saranggola na iyon. ‘Yun pa man din ang kauna-unahang (at huling) saranggola na ginawa ko.

“Kase nga ayoko kayong mapahamak at alam niyo namang hindi ako nakakatulog hanggang wala kayo sa bahay.” paliwanag pa niya. Ang-sweet no? Naa-appreciate ko ‘yon. Sobra. “Kaya nga kailangan mo nang sanayin na matulog na wala kami sa tabi mo.” ang sagot ko sa kaniya. “Hindi niyo kase iniisip ang nararamdaman ko.” sumbat niya. “‘Yan ang akala mo, Ma. Hindi mo naman alam ang iniisip namin.” sagot ko sa kaniya. “Alam mo ba na sa tuwing wala ako sa bahay, lagi kitang naaalala. Nako, hinahanap na ako ng Mama ko. Sigurado magtetext na niyan ang Mama ko. Lagot ako sa Mama ko nito. Lagi kong naiisip ‘yan. Sinasabi ko pa sa mga kaibigan ko.” dugtong ko pa. “Kaya hindi mo man lang maalalang mag-text para sabihin kung nasaan ka?” tanong niya. “Sinasadya kong hindi mag-text o sumagot sa mga tawag mo. Alam mo kung bakit? Kase alam ko na kung anong susunod na mangyayari. Mangungulit ka na naman at papauwiin na ako. Magkukunwari ka pang masakit ang ulo mo o may sakit. Ako naman, kahit alam kong hindi totoo, sobrang guilty ang mararamdaman sa tuwing ini-ignore ko yung mga text at tawag mo.” sagot ko sa kaniya. “E kase nga hindi ako sanay na wala kayo sa tabi ko.” paliwanag niya. “Kaya nga sanayin mo na.” ang sagot ko.

“Hindi habang buhay, nasa tabi mo kami. Hindi na kami bata. Tumatanda na kami. Nagbabago. Tulad lang ‘yan nung mga bata pa kami, pinapalo mo kami pero habang tumatanda kami ay unti-unting nawala ‘yon. Mas matanda na kami ngayon. May sarili na kaming mundo at may mga bagay na kaming ginagawa na hindi na ninyo kailangang malaman pa at hindi narin nangangailangan pa ng permiso ninyo.” mahaba ko na namang litanya. “Kaya nga mula ngayon, wala ka nang maririnig mula sa akin. Umalis ka kung gusto mo at umuwi kung kelan mo gusto. Di ko na ka’yo papakealaman.” muli niyang usal.

“Hindi ‘yan ang gusto naming mangyari at marinig mula sa inyo, Ma.” sagot ko. “Ang gusto lang namin, pakinggan mo kami. Buksan mo ang isip mo sa tuwing may gusto kaming sabihin at ipaintindi sa inyo. Ang hirap kase sa inyo, naiintindihan niyo nga ang mga sinasabi namin, hindi naman ninyo kayang tanggapin. Minsan hindi porke magulang kayo ay lagi na kayong tama. Minsan kailangan rin ninyong pakinggan ang mga bata.”

“Tama na, tama ka na. Mali na ako. Ikaw na ang mabuti at ako na ang masama.”

“Hayan na naman kayo. Paulit-ulit nalang tayo. Hindi namin sinasabing masama kayo. Ang gusto lang naming mangyari ay ang magkaintindihan tayo at magkaunawaan dahil may mga bagay kaming gustong gawin sa buhay. Hindi man namin kayang sabihin kung ano, magtiwala lang kayo dahil alam na namin ang masama at ang mabuti. At hindi naman kami gumagawa ng masama sa tuwing wala kami sa tabi ninyo. Kaya magtiwala lang kayo.”

Nagtitiwala naman ako sa inyo. Ayoko lang kayong mapasama o mapahamak.”

“Ma, hindi naman natin hawak ang buhay natin. Hindi naman natin alam kung ano ang mangyayari bukas o sa makalawa. Ni hindi nga natin alam kung anong mangayayari isang oras mula ngayon o kahit sa paglipas lang ng bawat segundo. Nag-iingat naman kami sa tuwing umaalis kami ng bahay at pinipili naman namin ang mga lugar na pinupuntahan namin.”

At siya namang pagpasok ng kuya ko. “Ang problema kase sa inyo ma, masyado kayong mahigpit.” sabat niya. “May mga bagay kaming gustong gawin. Kailangan niyo lang unawain ‘yon.” dugtong pa niya na ang tono ay nang-aasar.

At iniwan ko na silang dalawa at ako’y napagod na sa pagpapaliwanag. Wish ko lang na may napulot na aral ang Mama ko sa pag-uusap namin. Sabi ko nga sa kaniya, hindi ibig sabihin na nagtaas ako ng boses ay lumalaban na ako sa kaniya. Nagpapaliwanag lang.

Sa mga magulang na makakabasa ng post na ito, sana po ay maintindihan ninyo na minsan, hindi lang ang mga magulang ang tama. Kailangan ding pakinggan ang mga anak.

Turn Your Guilty Pleasure into a Guilt-Free Pleasure
The right snacks can make or break your day. Going too long between meals will probably result to overeating. Choosing the wrong snack would probably end up with the same result.

But choosing the right snack will provide a good bridge between meal to meal that will sustain you, control your hunger, appetite, fatigue and even your mood.

That’s why I’ve never been a fan of junk food. Whenever I feel hungry and it’s not yet time for a meal, I always look for healthy options. I see to it that the snacks that I eat are as much as possible all-natural, low in calorie, no trans fat, no MSG and high in protein.

A light, portable and crunchy snack that won’t unravel my efforts to eat healthy and something that tastes great too. I never thought that such a thing will ever exist! And now, the long wait is over! We can now enjoy our guilty pleasures without feeling guilty about it ever again!

Satisfy your cravings for chips guilt-free with Am Soyami. The healthiest option among the healthy options. Letting you “eat snacks without the guilt”, Am Soyami is made with REAL SOYA, high in protein and does not contain MSG. It comes in three flavors; Original, Pizza and White Cheddar.

My favorite so far is the “Original Flavor” because I can use it in some of my favorite snack recipes which I will share with you.

The first one is what I call the “Am Soyami So Yummy with Fresh Salsa” which is also healthy and is best when shared with your friends during your bonding moments and parties.

Am Soyami So Yummy with Fresh Salsa (Serves 6-8 persons)

Ingredients:

6 (1.76-ounce) bags of Am Soyami Soya Chips Original Flavor

8 Ripe tomatoes (Diced)

Juice of 2 limes

¾ Cup of finely chopped fresh cilantro

1 Medium-sized onion (Chopped)

2 Cloves garlic (Minced)

2 Fresh green or red chili peppers (stems, seeds, and membranes removed – diced)

Salt and pepper (to taste)

How to Prepare:

-In a bowl, combine tomatoes, lime juice, cilantro, onion, garlic, and chilies. Season with salt and pepper to taste. Mix well.

-Serve with Am Soyami Soya Chips Original Flavor.

The second one I call “Cheesy Am Soyami Barkada Snack”. Again, a healthy snack best enjoyed with the barkada.

Cheesy Am Soyami Barkada Snack (Serves 6-8 persons)

Ingredients:

6 (1.76-ounce) bags of Am Soyami Soya Chips Original Flavor

Option 1: Use Four types of cheese

½ Gup grated cheddar cheese

½ cup grated pepper jack cheese

1 cup cubed Velveeta cheese

1 cup black olives (pitted and sliced)

Option 2: Use 3 cups of any kind of cheese (grated)

1 Cup diced tomatoes

½ Medium-sized onion (chopped)

1 (15-ounce) Can refried pinto beans

1 (8-ounce) Package cream cheese (at room temperature)

¼ Cup finely sliced green onions

1 Tablespoon finely chopped fresh cilantro

How to Prepare:

-Preheat oven to 350º F.

-Place beans in a baking dish. Spread evenly. Layer with cream cheese. Add black olives, tomatoes, and yellow onion. Top with cheddar, pepper jack, and Velveeta cheese. Bake at 350º F until cheese is melted and begins to bubble. Garnish with green onions and cilantro.

-Serve with Am Soyami Soya Chips Original Flavor.

Those are just two of my favorite recipes which you can try preparing with your barkada. Preparing these kinds of snacks can also serve as your bonding moments. Not just with your barkada but also with your family.

Am Soyami is now available in all leading supermarkets. Go ahead! Enjoy a new guilt-free pleasure!

Iloilo Bloggers’ Trip Unseen Photos
Asa ka! Unseen nga eh! Hahaha!

Nicki Minaj – Super Bass (Cover)
Me singing Super Bass by Nicki Minaj.

Kalayaan sa Pagpili ng Laruan
Ang larawang ito ay aking lahok sa Saranggola Blog Awards.

Mwah Mwah Tsup Tsup to Me!
Text message from my Mum!

Happy Birthday to me! Hihihi!

Simpleng Hiling sa Paskong Darating
“Sige na po, Tito Mark. Kailangan po ninyo akong tulungan gumawa ng sulat para kay Santa. Wala na pong isang buwan Pasko na at huli na po ako sa shed-sked-shed-u-al.”

“Schedule?” Tanong ni Mark habang nakingiti sa bibong pamangkin na nasa anim na taong gulang.

“Yun nga po! Ngayon, pano ko po ba sisimulan ‘tong sulat ko?”

“Papano kaya kung ‘Dear Santa,’ Buboy?” Mungkahi ni Mark.

“Maganda ‘yan! Magaling!” Masayang sang-ayon ni Buboy habang dinadampot ang kaniyang lapis upang maingat na magsulat sa kaniyang papel.

Nakangiting pinanood ni Mark ang pamangkin habang nakatuon ang buong atensiyon nito sa pagsusulat ng perpektong sulat para kay Santa Klaws. Nakakatuwa itong panoorin habang nakalabas pa ng bahagya ang dila nito sa sulok ng kaniyang mga labi habang maingat ng iginuguhit ang bawat letra. Nakakaluwag ng dibdib na makita ang bata na masaya. Hindi lubos akalain ni Mark na makikita pa niyang ngumiti ang pamangkin matapos pumanaw ang mga magulang nito halos isang taon na ang nakalilipas.

Sa parehong dahilan, akala ni Mark ay hindi na niya makikita pa ang sarili na nakangiti. Malapit siya sa kakambal niya na si Michelle at sa asawa nito na si Jobert. Ang pagpanaw ng dalawa ay nag-iwan sa kaniya ng matinding pighati, halos kasingtindi ng nararamdaman ng pamangkin niya. Si Buboy ay lubos na nabigla sa mga pangyayari at nanatiling walang kibo sa loob ng ilang linggo. Pinilit ni Mark na kalimutan ang sariling pasakit upang tulungan ang pamangkin na malampasan ang unos.

Pinangalanan nina Michelle at Jobert si Mark na ninong at legal na tagapangalaga ni Buboy sa huli nilang habilin. Hindi iyon matanggap ng mga magulang ni Jobert kaya ginawa nila ang lahat ng paraan upang maputa sa kanila ang karapatan sa pangangalaga sa bata. Dinala nila ito sa korte at sinubukan pang gamitin ang pagiging bakla ni Mark laban sa kaniya. Pinaratangan siya ng mga ito na minomolestiya ang bata. Sa kabutihang palad ay pumanig ang batas kay Mark at binigay ng hukom kay Mark ang karapatan sa pangangalaga kay Buboy at napatunayang walang katotohanan ang lahat ng paratang sa kaniya. Ngunit kahit na ganoon ang nangyari ay malaking sugat parin ang iniwan ng mga pangayayari sa puso niya na halos tumagos sa kaluluwa niya.

Hindi kataka-takang hindi naging maganda ang kinalabasan ng nakaraang pasko. Mabuti na lamang ay magiging iba na ito ngayong taon. Bumalik ang sigla ni Buboy sa mga nakaraang buwan salamat narin sa kaibigang nakilala niya sa parke.

Sa kasamaang palad, hindi biniyayaan si Mark ng oras para gugulin kasama si Buboy at ng kaibigan nito. Lahat ng oportunidad ay sinusunggaban nito upang kumita ng pera upang ipangtustos sa kanilang pangangailangan at ipambayad sa abogadong tumulong sa kanila. Kaya naisipan ni Mark na kumuha ng katulong sa pag-aalaga sa pamangkin.

Si Rochelle ay hulog ng langit sa mag-tiyo. Nag-aaral siya ng Psychology at kasalukuyang gumagawa ng kaniyang thesis. Hindi lang niya tinulungan si Buboy na malampasan ang mga pagsubok kundi masarap din siyang magluto. Hindi alam ni Mark ang gagawin kung wala siya. Katulad ni Buboy, madalas itong magkwento ng tungkol sa kaibigan ni Buboy na si Kayla. Alam niyang mahilig ito sa sorbetes, ayaw nito ng cake at nakatira ito kasama ang kaiyang ama sa isang bahay ilang kanto mula sa parke. Hindi nagbanggit ng kahit ano si Buboy tungkol sa ina ni Kayla kaya naisip niya na baka wala siya sa larawan.

Naging mapilit si Buboy na imbitahan si Kayla at ang ama nito para sa pasko na hindi nagtagal ay singa-ayunan na rin ni Mark. Lubos ang kasiyahan ni Buboy. Gumawa ito ng mga imbitasyon para kay Kayla at sa ama nito na si Christian Razon. Ginawan niya rin si Rochelle at pati si Mark ay nakatanggap rin ng imbitasyon.

Ngayon nga ay nagsusulat si Buboy ng isang liham para kay Santa para sa perpektong regalo. Kailangan ay tama lang ito, sapat upang mapahanga si Kayla at dapat ay iyong maaari nilang pagsaluhan na kaibigan. Gusto ni Buboy ng pinakabagong video game console at hindi alam ni Mark kung paano iyon maibibigay sa bata. Sapat lang ang kinikita niya para sa kanilang pangangailangan. Nakapagtago nga siya ng ilang libong piso sa mga nagdaang buwan ngunit hindi siya sigurado kung makakapag-ipon pa siya gayong isang buwan na lamang ay Pasko na. Hindi niya gustong malungkot ang pamangkin.

Gaya ng inaasahan, sumulat si Buboy upang hilingin ang laruan na gustong-gusto niya sa pinakamaayos na sulat na kaya niya at pagkatapos ay pinag-aralan ang kaniyang liham habang nakasimangot.

“Anong problema, Buboy?” tanong ni Mark.

“Sa palagay ko po kailangan ko muna itong pag-isipan ng mabuti bago ipadala kay Santa,” sagot niya na nakasimangot pa rin. “Sa palagay ko po matutulog muna ako tapos tatapusin nalang ito bukas.”

“Sige, ikaw ang bahala,” sagot ni Mark habang hinihila pataas ang kumot upang takpan ang murang katawan ng bata. Inayos niya ang pagkakahiga ng pamangkin at hinalikan ito sa pisngi.

“Good night, Tito Mark,” usal ni Buboy habang nakangiti.

“Good night, Buboy.” Muli siyang hinalikan ni Mark bago patayin ang ilaw.

Nag-ikot muna si Mark sa kabuuan ng kanilang inuupahang bahay upang siguruhing nakasara ang lahat ng pinto at bintana bago tumuloy sa kaniyang kwarto. Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan niya nang makita ang napakalaking kama na pinagsaluhan nila ng dati niyang karelasyon na si Patrick. Sayang nga lang at nagpasilaw ito sa salaping inalok sa kanila ng pamilya ni Jobert upang siraan siya.

Muli, nakaramdam ng pangungulila si Mark. Halos lahat ng kaibigan niya ay inabandona na siya sa paniniwalang kaya niyang mang-abuso ng bata at ang iba naman ay natatakot na mahusgahan kung sakaling makita sila na magkasama.

Dear Santa,

Gusto po sana namin ni Kayla ng maliit ng kabayo at Wii, pero nag-usap po kami at nagdesisyon na humiling sa inyo ng isang bagay na mas importante. Ang tatay po niya at ang tito ko ay parehong malungkot at gusto po namin silang maging masaya. Pwede po ba ninyo silang hanapan ng makakasama? Alam po namin hindi madali ‘yon kasi pareho po silang momosexyouall. Ibig pong sabihin ‘non, gusto nila ng asawang lalaki imbes na babae. Ayos lang daw po ‘yun sabi ni Mama bago siya pumunta sa langit. Mahal ko po ang tito ko at alam kong maraming hindi magandang nangyari dahil sa akin. Sana po tulungan mo po siya.

Nagmamahal,

Robert Perez at Kayla Razon

Paulit-ulit na binasa ni Christian ang sulat ng kaniyang anak para kay Santa. Pinakiusapan siya ng anak na ihulog iyon. Para siyang sinuntok sa sikmura. Sa loob ng anim na taon ay pinilit niyang itago sa anak ang katotohanan tungkol sa kaniyang pagkatao. Pinilit niyang protektahan ito mula sa mga panlalait na maaari nitong matanggap sa pagkakaroon ng amang kagaya niya.

Bata pa lamang ay alam na niyang lalaki ang hanap niya ngunit pinilit niya itong itago at baguhin. Naglaro siya ng iba’t ibang larong pampalakasan at pinakasalan ang pinakamagandang babae sa kanilang paaralan, nakakuha ng isang magandang posisyon sa trabaho at naging ama ng isang napakagandang batang babae. Matapos ipanganak si Kayla ay halos hindi na nagampanan ni Chritian ang mga tungkulin niya bilang asawa. Naging maunawain si Cythia nung una ngunit di kalaunan ay naging bungangera na ito. Palagi silang nag-aaway at dumating pa sa punto na halos hindi na siya umuwi ng bahay at halos magkasakit siya sa tuwing maririnig ang boses ng asawa.

Sa mga panahong iyon ay sibubukan niyang maging tapat sa asawa, ngunit ang ugali ni Cynthia ang nagpasuko sa kaniya at dumating sa punto na ang tanging nais niya na lamang ay ang makahanap ng isang tao na tatratuhin siya bilang tao. Nang minsang mangibang bansa ito para sa trabaho ay nagkaroon ito ng karelasyong Hapon at mula noon ay alam niyang hindi na siya maaaring bumalik pa sa kasinungalingang pilit niyang pinaniwalaan.

Nagbalik siya sa Pilipinas at ibinigay kay Cynthia kung ano ang nararapat para sa kaniya – ang katotohanan. Hindi naging maganda ang pagtanggap ni Cynthia sa kaniyang rebelasyon. Tinalikuran siya nito pati na rin ang kaniyang anak at sinabing ayaw raw niyang magkaroon ng anomang sakit katulad ng AIDS. Hiniwalayan siya ni Cynthia at tinawag nitong ‘anak ng demonyo’ at ‘AIDS baby’ si Kayla. Nakarating iyon sa hukom kaya napunta kay Christian ang karapatan para sa anak at pinagbawalan si Cynthia na bisitahin ang anak hangga’t hindi napapatunayang wala siyang problema sa pag-iisip.

Umasa si Christian na mapapanatili niyang walang malay ang anak tungkol sa tunay niyang pagkatao. Ang sulat na ito ay patunay na nabigo siya. Pinalaki niyang maunawain at hindi mapanghusga ang anak at kahit na mukhang sinusunod ni Kayla ang kaniyang mga payo ay hindi mapigilan ni Christian na mag-alala. Hindi siya sigurado kung hanggang kalian niya mapo-protektahan ang anak.

At nariyan nga si Mark. Isang lalaking nakilala ni Christian dahil sa madalas nitong pakakapag-kwentuhan kay Buboy. Si Mark ay isang bayani para kay Buboy at ang tingin niya rito ay napakataas. Alam niyang ipinaglaban ni Mark si Buboy kahit na ang naging kapalit nito ay paghihirap. Ayon kay Buboy ay ipinakulong pa si Mark ng kaniyang lolo at lola para mapaghiwalay lang sila.

Hindi naging mahirap para kay Buboy ang magkwento tungkol sa buhay pag-ibig ng kaniyang tito o sa kawalan nito ng isa. Hindi rin nahiya si Buby na ipaalam sa lahat na si Mark ay isang “momo-sex-you-all,” na ang ibig sabihin ay gusto nito sa mga lalaki.

Lahat ng ito ay alam na ni Christian bago pa makilala sa personal si Mark. Alam niyang kada Linggo ay lumalabas ang mga ito upang manood ng sine dahil ito lang ang araw na nagkakasama sila ng matagal. Gumawa siya ng paraan upang magkita-kita sila isang araw ng Linggo at bago pa ito ay hindi niya mapigilang tanungn si Buboy tungkol sa hitsura ng kaniyang tito. Sinabi ni Buboy na siya at ang tito niya ay magkamukha.

Simula ng una at nag-iisang beses na makita niya si Mark ay nahulog na ang loob niya rito. Si Mark ay mukhang Hapon na sadyang napakagwapo. Mas maliit ito kesa sa kaniyang inaasahan, nasa limang talampakan at anim na pulgada ang taas kumpara sa kaniya na anim na talampakan ang sukat. Ang mga mata nito ay nangungusap at ang mga labi ay mapupula. Simula ng araw na iyon sa sinehan ay pinangarap na niyang mahalikan ang mga labing iyon.

Sa mga nagdaang taon ay nakuntento lang siya sa pakikipagrelasyon sa kapwa lalaki sa tuwing nasa labas siya ng bansa. Ngunit simula nang makilala niya si Mark ay nag-iba na siya. Kailangan na niya ng isang taong makakasama habang buhay. Isang taong nakangiting naghihintay sa kaniya pagkagaling sa trabaho at magtatanong kung kumusta ang naging araw niya.

Sinubukan niyang maghanap sa kung saan-saan ngunit bigo siya. May mga ilang nagkakaroon ng interes sa kaniya ngunit sa oras na malamang may anak na siya ay nilalayuan at iniiwasan na siya ng mga ito. Walang sinuman ang may gusto na magkaroon ng relasyon sa isang taong may anak na.

At mukhang pareho sila ng tito ni Buboy at madalas niya ring maisipang magsimula ng relasyon kasama si Mark. Ngunit pinipigilan niya ang kaniyang sarili sa tuwing maiisip ang magiging kapalit ng kaniyang magiging hakbang. Si Buboy at Kayla ay mga batang puno ng kalungkutan, naging mapag-isa dahil na rin sa mga karanasan. Ang pagkakaibigan nila ang nakatulong sa paghilom at pa-usbong ng bawat isa. Hindi niya maaaring ilagay sa alanganin ang pagkakaibigang iyon para lamang sa sariling kaligayahan. At iyon ang dahilan kung bakit pinipigilan niya ang atraksyon niya kay Mark.

Ngunit walang nagsasabing hindi sila maaaring maging magkaibigan. Kailangan niyang gumawa ng paraan upang mangyari iyon. Marahil ay maaari silang magsama sa araw ng kaarawan niya nagkataong kaarawan rin naman ni Buboy.

“Papa, nandito na po ako!” sigaw ni Kayla pagpasok nito sa bahay.

“Nandito ako sa kusina!” sagot naman ni Christian.

Masiglang naglakad palapit si Kalya, ang buhok nito ay sumasayaw kasabay ng pagyugyog ng kaniyang ulo na hugis puso. Sa isip ni Christian ay mukhang kakailanganin niya ng baril pag nagdalaga na ang anak para mailayo ito sa mga lalaki. Niyakap niya ang anak at pinaupo sa kaniyang kanlungan at binigyan siya nito ng isang halik.

“Anong ginawa niyon ngayong araw, anak?”

“Madami po, Papa. Dinala ni titser yung alaga niyang hamster tapos hinayaan niya kaming pakainin yon. Takot na takot si Buboy pero hinawakan parin niya ‘yon.”

“Nakakot ka rin ba?”

“Konti lang po,” pag-amin ni Kayla, habang nakakunot ang ilong, nagsalubong ang mga kilay at nakanguso ang mga labi. Alam niyang nahirapan siyang magmukhang matapang at naiinis siyang aminin na hindi siya nakaramdam ng takot. Isa iyon sa mga depensang natutunan niya simula nang lisanin siya ng kaniyang ina.

Upang ibahin ang usapan, nagtanong si Christian, “Sinabi ba sa’yo ni Buboy kung anong gagawin nila sa birthday niya?”

“Sila daw po ang magluluto ng mga ihahanda nila: letsong manok, spaghetti, lumpia at kung anu-ano pa. Sabi niya tutulungan niya daw po si Tito Mark na magluto.” sagot ni Kayla na halatang naiinggit.

“Kung gusto mo pwede din tayo magluto, tutal naman birthday ko rin ‘yon.” alok ni Christian.

“Talaga po? Gusto ko po ‘yon! Lalo na pagkatapos akong asarin ni Buboy kanina. Pwede ko po ba siyang tawagan?”

“Sige, pero pagkatapos mong gawin ang homework mo.”

“Bakit mo po ninyo tinatago yung mga letrato diyan Tito Mark?” tanong ng isang batang lalaki sa likod ni Mark na ang tinutukoy ay ang makapal na kaha de yero.

“Kasi, sila ang pinakamahalaga kong kayamana.” sagot ni Mark matapos pindutin ang huling numerong magbubukas sa kaha. “Para kung sakaling magkasunog, hindi sila masisira at makikita parin natin ang pamilya natin.”

“Ganun po pala yun. Pwede ko po bang makita yung letrato ninyo nung wala pa kayong ngipin?” tanong ni Buboy habang dinusundan si Mark paupo sa sala.

“Pwede, yun lang pala e.” sagot ni Mark habang pinapanood si Buboy na di magkandarapang umuupo sa tabi niya atsaka inilatag sa kanlungan nilang dalawa ang malaking photo album, at nagsimula nang buklatin ang mga pahina habang kinukwentuhan si Buboy tungkol sa bawat larawan.

Kaarawan ni Buboy ng gabing iyon at marami siyang katanungan. Ideya niya ang ilabas ang mga larawan habang hinihintay na mauluto ang manok. Dahil sila lang dalawa ay naghanap sila ng maliit lang na ibon upang iluto. May pagmamalaking tumulong si Buboy sa paghahanda. Hindi na siya makapaghitay na kainin ang niluto nila at naging masaya ito lalo na nung sabihin ni Mark na maaari siyang tumulong sa paghahanda.

Naisip ni Mark na kung papatulungin niya si Buboy sa paghahanda ay mababawasan ang lungkot nito sa pagdaraos ng unang kaarawan nitong wala ang mga magulang. Tama nga siya. Agad sinunggaban ni Buboy ang pagkakataong maging matanda na upang makatulong sa pagluluto at naging magaling ito sa pagtupad ng kaniyang tungkulin.

“Sa palagay po ninyo, masarap din ang lulutuin nila Kayla at ng tatay niya?” tanong ni Buboy kanina habang nakalabas pa ang dibdib na puno ng pagmamalaki.

“Siguro. Pero mukha namang hindi marunong magluto ang papa niya. Ano ka ba? May oras pa tayong tapusin itong ginagawa natin bago maluto ang hapunan.” At muli niyang inilipat ang pahina habang sabay nilang sinasariwa ang mga ala-alang ibinabalik ng mga larawan na halatang nakakapagpasaya kay Buboy.

Masayang nagkukwento si Buboy tungkol sa paborito niyang larawan ng marinig ang tunog ng oven. Pinuntahan iyon ni Mark at nang makitang handa na ang manok ay inutusan niya si Buboy na ihanda ang lamesa. Sila lang dalawa sa gabing iyon ngunit intensiyon ni Mark na gawin iyong masaya.

Paminsan-minsan ay kailangang huminto ni Mark sa ginagawa upang sabihin kay Buboy kung ano ang gagawin ngunit mabilis parin silang natapos. Kakaupo palang nilang dalawa ng magkatabi at handa na sanang magsabi ng isang panalangin nang tumunog ang alarma ng gusaling tinitirhan nila. Namumutla ang mukha, humarap si Buboy sa kaniyang tito at handa na sanang umiyak.

“Magsuot ka ng sapatos at saka yung jacket mo bilis.” matigas na utos ni Mark.

Mabilis na sumunod si Buboy habang ganoon rin ang ginawa ni Mark. Mabilis niyang inipon ang mga lagayan ng mga larawan at mabilis silang lumabas ng gusali kasama ng kanilang mga kapitbahay. Pagkalipas ng ilang minutong walang kahit anong nangyayari, handa na sana silang pumasok ulit nang biglang sumabog ang bintanang nasa taas ng apartment nila Mark kasabay ang pagdating ng mga trak ng bumbero at mga ambulansya.

Makalipas ang ilang minuto ay kontrolado na ang apoy. Mabilis na napuno ang kalsada ng mga ususero habang ang may-ari naman ng gusali ay tinatanong ng mga kinauukulan sa kung ano ang posibleng pinagmulan ng sunog.

May kug anong kumurot sa puso ni Mark habang daan-daang litro ng tubig ang ibinomba sa loob ng kaniyang apartment. Narinig niya ang mga bumbero na nag-uusap at nalaman niyang pansamantalang hindi matitirhan ang apartment niya. Bukod sa mga larawan ay wala siyang naisalba. Mayroon siyang anim na taong pamangkin na kailangang alagaan at hindi niya alam kung saan kukuha ng gagastusin o kung saan sila tutuloy.

At… Diyos ko, ang Pasko! Sa oras na maka-upa sila ng kwartong matutuluyan at makabili ng ilang damit para sa kanilang dalawa, siguradong wala nang matitira upang ibili si Buboy ng regalo. Ang isipin pa lamang na hindi niya mabibigyan ng normal at masayang Pasko si Buboy ay dumudurog na sa kaniyang puso na katulad ng pagkadurog nito ng mamatay ang mga magulang ni Buboy at ngayon niya lang napagtanto na hindi pala niya naisalba ang wallet niya maging ang kaniyang cellphone.

Gayun pa man ay hindi siya maaaring sumuko. Hindi ngayong kailangan siya ni Buboy. yumuko siya upang pagmasdan ang pamangkin at nagbuntong hininga. Dinampot nito ang unang jacket na nakita. Iyon ay isang manipis na jacket na sinuot niya nang manood sila ng sine kasama si Kayla at ang ama nito. Wala siyang kahit anong proteksyon mula sa mga element at nagsisimula nang umambon. Kailangan niya siyang dalhin sa isang ligas na lugar at kailangan niyang magmadali. Isang lugar lamang ang naiisip niya na maaari nilang puntahan ng naglalakad.

Hinarap ni Mark ang pamangkin at kinarga ito habang nasa pagitan nilang dalawa ang mga lagayan ng larawan. Pinilit na protektahan ni Buboy ang mabibigat na libro gamit ang maliliit niyang kamay sa abot ng kaniyang makakaya at pagkatapos ay tiningnan ang kaniyang tito na ang mga mata ay puno ng takot.

“Saan po tayo papunta, Tito?” tanong ni buboy na ang boses ay nanginginig sa kaba.

Nakita ni Mark ang mga namumuong luha sa mga mata ng bata at naisip niya ang nag-iisang bagay na makakapagpapanatag dito. Ang magsuot siya ng isang ngiti upang ipaalam kay Buboy na magiging ayos lang ang lahat. Pinilit niyang pasayahin ang boses niya at sumagot.

“Kina Kayla. Sa palagay ko, hindi naman tayo papahiyain ng papa niya lalo na ngayong birthday ng pinakagwapo kong pamangkin.”

“Tama po kayo. Mabait po si Tito Chris. Malay mo po, pakainin pa niya tayo ng mga hinanda nila para sa birthday ni Kayla.” Ngumiti si Buboy sa plano at sa nakikitang ngiti sa kaniyang Tito Mark. Ngunit sumimangot ito, “Sana lang marunong siyang magluto.”

Ang mga salita ni Buboy ay nagbigay ng totoong ngiti kay Mark at nagsimula siyang tumawa, “Sana nga!”

Basang-basa ang dalawa nang marating ang kanilang destinasyon. Kumatok sila sa pinto at hindi nagtagal ay pinagbuksan sila ni Christian. Ang gulat na ekspresyon sa mukha nito ay mabilis na napalitan ng pag-aalala sa nakitang kalagayan ng kaniyang mga bisita.

“Ano’ng nangyari?” tanong nito habang humahakbang palayo sa pinto upang bigyan sila ng daan.

“Nasunog yung tinitirhan kong apartment,” malungkot na sagot ni Mark. Nagsisimula nang mamasa ang mga mata.

Mabilis na pinapasok ni Christian ang dalawa at tinawag si Kayla upang magdala ng mga tuwalya. Nang makitang nanginginig na sa lamig si Buboy ay mabilis siyang pinaliguan ni Mark gamit ang maligamgam na tubig. Nakahinga siya ng maluwag ng huminto ang panginginig ng bata. Naghanap si Christian ng mga damit na maaari niyang suotin mula sa mga damit ni Kayla.

Matapos makapagpatuyo, suot ang mga maluluwang na damit ni Christian, nagawa na niyang magsuot ng mas maaliwalas na mukha para sa kaniyang pamangkin. Hinarap ni Mark si Christian na may matapang na ngiti.

“Kailangan kong magpasalamat sa’yo at pasensiya ka na kung dito ko dinala si Buboy. Di ko na kasi alam kung saan papunta. Nadala ko yung mga letrato namin pero hindi ang pera ko at cellphone. huli na nang maalala ko.”

“Hay nako,” sagot ni Christian. “Wala namang problema. Alam kong gagawin mo rin ito kung sa amin ni Kayla nangyari ang ganito.

Kinagat ni Mark ang kaniyang labi at tumango bilang pagsang-ayon. Tumingala siya at nakita ang isang maluwang na ngiti mula kay Christian. Nasisiguro niyang may binabalak ang isang ito.

“At isa pa, umaasa ako na sana mas magaling kang magluto kesa sa akin. Sinubukan ko pero parang wala paring nangyayari,” usal ni Christian bilang pagkumpirma sa iniisip ni Mark.

Ngumiti si Mark. “Maswerte ka na si Buboy at ako ay magaling pagdating sa kusina. Gumawa tayo ng kasunduan. Ipagluluto ko kayo kung hahayaan mo kaming matulog nagyon gabi. Sigurado akong ayos na ang apartment ko bukas at maaari na akong kumuha ng pera at ilang damit.”

“Di na kailangan pa ang kasunduan. Alam kong matutuwa si Kayla kung mananatili kayo rito at isa pa, masaya rin ang may makasama rito.”

Ngumiti si Mark habang tumatango at saka dumeretso na sa kusina. Napatunayan niya na hindi talaga marunong magluto si Christian. Naging abala siya sa pag-aayos ng mga niluluto ni Christian. Nang ituon niya ang tingin sa may pintuan papunta sa kusina ay nakita niya si Christian na pinapanood siya. hindi siya makapaniwala sa kung gaano kagwapo ang lalaking ito. Naalala niya ang unang beses na nagkita sila. Noon pa lamang ay nagkaroon na siya ng pagtingin dito.

Naaalala niya ang unang beses na nagtama ang kanilang paningin. Ang unang beses na nginitian siya nito at kung paanong hindi niya napansin ang isang batang babae na nakahawak sa kaliwang kamay nito kung hindi pa siya nilapitan ni Buboy at pinakilalang ito pala ang kaibigan niyang si Kayla. At hayun nga at nakahawak sa kaniyang kamay ang isang napakagandang batang babae. Pakiramdam niya ay napakaharot niya at nagawa pa niyang paglawayan ang ama ng bata habang ito ay nakatayo sa kaniyang tabi.

At iyon ang eksaktong dahilan kung bakit pinipigilan ni Mark ang nararamdaman para kay Christian. Upang itago ang namumuong pamumula sa kaniyang mga pisngi dulot ng ala-ala ng una nilang pagkikita ay inutusan ni Mark si Christian na ihanda ang mesa. Namalayan nalang ni Christian ang sarili na nakangiting sumusunod sa utos ni Mark. Ito ang unang pagkakataon na pinayagan siyang tumulong sa gawain sa kusina. Noong nagsasama pa sila ni Cynthia ay palagi siya nitong sinisigawan sa tuwing magpe-presenta na tumulong. Maging si Kayla ay hindi rin pinapayagang tumulong. Ang masaklap pa ay pagkatapos nilang maghapunan ay walang katapusang reklamo ang maririnig niya sa dating asawa kesyo siya lang daw ang nagpagod sa pagluluto at paghahanda ng lahat.

Ganito ang hinahanap-hanap ni Christian noon pa. Ang pakiramdam ng isang tahanan. Hindi lang isang bahay na maya mga taong nakatira kundi isang pamilya na nagtutulungan at nagmamahalan.

Ilang oras pa ay handa na ang hapunan. Lagpas na sa oras ng pagtulong ng mga bata. Katulad ng mga hinanda nila Mark sa sarili nilang bahay, may manok, spaghetti, cake at salad. Lahat ay nagsabing masarap ang pagkakaluto ng mga ito at gutom na gutom silang sinunggaban ang mga iyon.

nang matapos sila sa pagkain at nang malinis na ang mga pinagkainan, halatang pagod na at inaantok ang mga bata. Kinarga sila ng dalawang mama sa kwarto ni Kayla at inihiga sa dalawang maliliit na kama. Ilang minuto lang ay tulog na ang mga bata na nagbigay ng daan upang magkausap ng sarilinan ang dalawang lalaki.

Noong una ay komportable ang dalawa sa presensya ng bawat isa habang naglilinis. Mas madali kay Mark na mag-isip ng ibang bagay bukod sa atraksyon niya kay Christian. Sa kasamaang palad ay marami pa siyang kailangang isipin. Pinipigilan ni Mark ang maluha ngunit sa bigat ng kaniyang mga dinadala ay bigla na lamang sumabog ang matinding emosyon. Nahihiya man ay umiyak siya ng umiyak habang nakatakip ang dalawang palad sa kaniyang mukha.

Hinila siya papalapit ni Christian at ipinatong ang ulo nito sa kaniyang dibdib habang hinihimas ang likod upang pakalmahin. Umiyak si Mark sa balikat ni Christian hanggang gumaan ang pakiramdam at sinubukan niyang humingi ng paumanhin sa nangyari.

“Pasensiya ka na. Hindi ko na kasi alam ang gagawin. Sapat lang ang kinikita ko para mabuhay kami ni Buboy at ngayon kailangan ko pang maghanap ng bagong matitirhan at bumili ng mga bagong damit. Malapit na ang pasko at di ko man lang mabibilhan ng regalo si Buboy. Hindi ganito ang nararapat para sa bata.”

Wag kang mag-alala,” pang-aalo ni Christian sa kaniya habang hinahagod parin ang kaniyang likod. “Pwede kang tumira dito hanggang makahanap ka ng malilipatan. May bakanteng kwarto pa naman at alam ng Diyos na kailangan namin ni Kayla ng makakasama. Isa pa, magaling kang magluto at isa iyong kayamanang maituturing.”

“Sigurado ka?” nag-aalangang tanong ni Mark.

“Siguradong sigurado. Tingnan mo, masaya ang gabing ito. Naramdaman kong naging tahanan ang bahay na ito. Pakiramdam na matagal ko nang hinahanap. Si Buboy, pwede dun sa kwarto ni Kayla o kaya naman ay pwede kayong dalawa dun sa bakanteng kwarto. Kahit ano pa ang gusto mo, ayos lang. Isa pa, masaya rin kung magkakaroon ng isa pang matanda dito sa bahay na pwede kong makausap.”

Madaling makita na sinsero si Christian sa kagusthang manatili sila rito. Yun ang nagpaluwag sa loob ni Mark at nagbigay sa kaniya ng pag-asa. Sa totoo lang ay gusto niya ang bahay ni Christian. Ang tumira dito ay magbibigay ng pakiramdam na para siyang nasa bakasyon. Ngunit kahit paano ay mayroon din siyang pride.

“Sige, dito na muna kami. Pero magbabayad ako ng upa at tutulong ako sa gawaing bahay.”

“E kung ganito nalang: kung magluluto ka, ako na ang bahala sa iba.”

“Talaga? Marunong ka bang maglaba?” Tanong ni mark na may pagdududa. Matapos niyang madatnan ang eksena sa kusina, malamang ay wala talagang alam sa gawaing bahay si Christian.

Napangiwi si Christian na kumumpirma sa suspetsa ni Mark. “May dumadating na labandera minsan sa isang linggo.”

Tumawa lang si Mark habang umiiling. Ayos siguro kung makakaya niyang magbayad para sa ganong serbisyo. Pero nagluluto na siya at gumagawa ng lahat ng gawaing bahay mula nung siya ay labing dalawang taong gulang pa lamang. Mabuti na lamang at praktikal ang kanilang ina at tinuruan sila ng mga ganoong gawain. Mahihirapan siguro siyang mag-aral ng gawaing bahay habang inaalagaan si Buboy. Nakikita niyang kung gaano nahihirapan si Christian at masaya siya na matutulungan niya ito.

Ang pagtira ni Mark at Buboy doon ay naging madali. Madali silang nasanay sa mga gawain na magkakasama. Para kay Christian, ang pagtira ni Mark doon ay purong kaligayahan. Sa tuwing uuwi siya galing sa trabaho ay nadadatnan niya ito at ang dalawang bata sa kusina na nagtutulong tulong sa pagluluto o di kaya ay sa paggawa ng mga takdang aralin. Tahanan. Yung ang pakiramdam na pinakagusto niya.

Sina Buboy at Kayla ay naging mas masigla sa ilalim ng pagtutulungan nilang dalawa. May mga pagkakataong lumalabas sila upang mamasyal o di kaya naman ay nanonood ng pelikula hanggang makatulog ang dalawang bata. Pag tulog na ang mga bata ay nagku-kwentuhan ang dalawang matatanda. May mga pagkakataong iniimbitahan ni Mark ang dalwang pinakamalalapit na kaibigan na nagtatrabaho sa isang club. Ang trabaho nila ay ang manggaya ng mga sikat na personalidad.

Minsan ay tinutulungan sila ni Mark sa ginagawang preparasyon sa kanilang pagtatanghal. Ganoon din kasi ang dating trabaho ni Mark na iniwan niya ng mapasakaniya si Buboy. Ayaw niya kasing magamit iyon ng mga magulang ni Jobert upang makuha ang bata sa kaniya.

Si Christian naman ay aliw na aliw sa panood sa kanila. Nakakatawa sila at talagang masiyahin. Si Joey at Albert ay kamalasang nagkatawang tao. Puro patawa at puro biro. Si Joey ay nagdadamit bilang si Britney Spears samantalang si Albert naman ay bilang si Whitney Houston. Nang malaman nilang hindi pa pala nakakapanood ng ganoong palabas si Christian ay agad nila itong binigyan ng ticket upang makapanood.

Nang malaman ni Christian na ganoon din ang trabaho ni Mark dati ay lagi na niya itong tinatanong kung ayaw ba nitong bumalik sa ganoong trabaho. Gusto niya kasing mapanood ito. Ngunit naiintindihan niya kung bakit tumatanggi si Mark.

Habang pinapanood ang mga nag-eensayo, napatingin si Christian sa labas ng bintana at isang ideya ang pumasok sa kaniyang isip. Iniwan niya ito at tinungo ang bodega. Inipon niya ang mga dekorasyong pang-Pasko na itinago doon magmula nang lumayas si Cynthia.

Gusto niya ng totoong tahanan at hindi lang basta isang palabas. Si Mark ang gumising sa kaniya upang magpakatotoo at gawin ang nais ng kaniyang puso. Natulog siya ng gabing iyon na may ngiti sa labi at may mahabang listahan ng mga dapat niyang gawin sa kaniyang isip.

Nagising siya kinabukasan may ngiti sa labi at handa nang isakatuparan ang plano. Sinabihan niya si Mark na siya na ang susundo sa mga bata at ipapasyal niya ang mga ito. Pumayag naman si Mark at nagmamadaling hinatid ang mga bata sa eskwelahan bago pumasok sa trabaho. Gabi na nang makauwi siya at di tulad ng inaasahan, wala siyang nadatnan sa sofa at nanonood ng palabas sa telebisyon. Bagkus ay nadatnan niya ang mga ito sa isang sulok at masayang naglalagay ng mga palamuti sa isang Christmas tree. Nakita niya kung gaano kasaya ang mga bata at sa unang pagkakataon sa araw na iyon ay gumuhit sa kaniyang mga labi ang isang totoong ngiti.

“Mukhang abala kayon ngayong araw na’to ah,” usal ni Mark bilang pagbati.

“Tito Mark!” sigaw ni Buboy habang patakbo papalapit sa kaniya upang bigyan siya ng isang yakap. Nagtatatalon siya at sabik na nagkwento. “Sana sumama ka sa amin. Sinama kami ni Tito Chris tapos bumili kami ng puno saka maraming maraming dekorasyon. Merong mga ilaw, mga medyas at saka – at saka lahat na ata meron. Angsaya-saya. Binilhan niya rin ako ng Navitivy scene katulad nung kay Mama bago ko ‘yun masira.”

Ngumiti lang si Mark sa maling pagbanggit ni Buboy ng isang salita at saka ginulo ang buhok ng pamangkin. Nagpapasalamat siya kay Christian dahil nabigyan niya ng isang magandang ala-ala ang bata. Nasabi niya iyon nang nasa hapag sila at kumakain habang hindi nakikinig ang mga bata.

“Maraming salamat para dito. Kahit walang sinasabi si Buboy sa akin, alam kong sabik na siya na dumating ang Pasko bago pa magkasunog. Nalulungkot ako na hindi ko man lang siya mabigyan ng isang selebrasyon na nararapat para sa kaniya.”

Lumunok muna si Christian bago sumagot. “Noong una, ginawa ko ito para sa sarili ko. Gusto ko ng totoong pamilya at mga ala-ala kasama ang mga ito at napagtanto kong hindi ito mangyayari kung hindi ako kikilos. Habang namimili kami, nakita ko kung gaano ito kahalaga para sa dalawang bata at masaya akong gawin ito para sa kanila.”

Pagkatapos ng hapunan ay mag-isang pinagmamasdan ni Mark ang punong punong puno ng dekorasyon at masisiglang ilaw. Naiinis siya sa sarili dahil hindi man lang niya maibigay kay Buboy ang mga pangangailangan nito at tila ba nabubuhay lang sila dahil sa kabaitan ni Christian. Nagdesisyon siya na babalik sa dating pinagtatrabauhan kinabukasan upang alamin kung maaari siyang magtanghal kahit na isang gabi lamang. Alam niyang isang gabi lang doon ay sapat na upang kumita ng magagamit nila para sa Pasko at siguradong may sobra pa.

“Ayos ka lang?” tanong ni Christian na nakatayo na pala sa likod niya.

“Sa palagay ko.” sagot ni Mark na pilit na ngumiti.

“Mukhang malalim ang iniisip mo ah.”

“Oo. Iniisip ko kasi ang sitwasyon namin tungkol sa pera. Pero sa palagay ko, may magagawa ako para sa Pasko.” sagot ni Mark. “Susubukan kong makakuha ng isang gabi sa club. Siguradong kikita ako doon sapat para ibigay kay Buboy lahat ng laruang gusto niya at baka may sobra pa.”

“Hahanap ako ng kaibigang pwedeng magbantay sa mga bata. Gusto talaga kitang mapanood.”

Kumunot ang noo ni Mark, “Parang ayokong mapanood mo ako. Mahihirapan akong harapin ka kinabukasan.”

Tumawa muna si Christian bago magsalita, “Wag ka naman ganyan. Pinangarap ko nang mapanood ka simula nung dinala mo rito yung dalawang hitad.”

Muli, pinagsaluhan ng dalawa ang tawanan bago magpahinga sa kani-kanilang kama.

Gabi ng Sabado, dalawang linggo bago ang Pasko, hindi parin alam ni Christian kung ano ang ireregalo sa anak. Bukod dun sa hiniling nila kay Santa ay walang kahit anong binabanggit sa kaniya ang anak. Nagsimula na ang palabas ngunit hindi iyon napansin ni Christian. Hindi na siya makapaghintay para sa pagtatanghal ni Mark.

Halos gabi-gabing pumupunta sa club si Mark pagkagaling sa trabaho para mag-ensayo. Hindi niya halos nakakausap si Mark sa nakalipas na sampung araw at yun ang naging dahilan upang makapag-isip-sip siya. Napakalaki ng atraksyon na nararamdaman niya para kay Mark at masaya siya sa pagtira nito at ni Buboy sa kaniyang bahay. Sa totoo lang ay gusto na niyang gawing permanente ang pagtira ng mga ito kasama siya. Ngunit natatakot siya sa kung ano ang magiging reaksyon ni Mark tungkol dito.

“Heto na!” sigaw ni Christian sa isip niya nang marinig ang isang pamilyar na tugtugin. Kasabay nito ang paglabas ng mga mananayaw at ang pagtawag ng isang boses sa pangalan ni Miki Sarmiento bilang Shakira. Bumukas ang kurtina at lumabas ang isang napakagandang Mark.

Halos malaglag ang panga ni Mark.

Halos mapagkakamalan mong ang totoong Shakira ang pinapanood mo. Kuhang kuha nito ang bawat galaw ng baywang habang nagsasayaw. Hindi magkamayaw sa panonood si Christian at lalong tumindi ang paghanga niya kay Mark. Napuno ng pagmamalaki ang dibdib niya lalo na ng marinig ang pagkadismaya ng mga manonood nang matapos na ang sayaw.

Bilang pagtatapos ay tinawag na ng announcer ang lahat ng performers nila para sa panghuling sayaw. Lahat ng ito ay kumuha ng isang manonood upang makipagsayaw. Hinila ni Joey paakyat ng stage si Christian at nakipagsayaw rito hanggang dumating si Shakira at inilingkis ang mga braso kay Christian.

“Ang galing mo kagabi.” masayang bati ni Christian. “Parehong kaliwa ang paa ko pero napagsayaw mo ako ng ganon.”

Dumeretso sila kinabukasan sa isang mall upang mamili ng regalo para sa mga bata. Malaki ang kinita ni Mark sa pagtatanghal at bukod pa rito ay nag-ambagan ang mga kasamahan niya bilang tulong sa kaniya dahil sa nasunugan siya. Umiyak siya ng umiyak. Sa balikat ni Joey, ni Albert at ni Christian at talagang natutuwa siya sa tuwing inaalo siya ng huli.

Wala silang napili kaya naman nagdesisyon silang dalawa na mamimili na lamang pagbalik ng yaya ng mga bata at sa oras na makatulog na ang mga bata sa gabi bago ang Pasko pagkatapos nilang magsalo-salo. Nahirapan silang patulugin ang mga ito ngunit ng sinabi nilang hindi darating si Santa pag nadatnan silang gising ay napapayag na ang mga ito na matulog.

Nagmamadali silang nagmaneho patungo sa mall upang hindi sila mapagsarhan. Nagawa ni Christian na itutok ang atensyon sa pagmamaneho sa kabila ng pag-iisip tungkol kay Mark. Hindi siya nakatulog kagabi sa pag-iisip tungkol dito. Ngunit isa lang ang malinaw sa kaniyia ngayon. Gusto na niyang gawing permanenteng bahagi ng kaniyang buhay si Mark at hindi lang basta kasama sa bahay.

Hindi alam ni Christian kung ano ang bibilhin para sa anak. buti nalamang ay naroon si Mark. Kumuha ito ng sari-saring manika, mga laruang pangluto at mga bagay na maaari nilang gamitin sa pagtuturo sa mga bata. May mga laruan ding maaari nilang laruing magkakasama bilang grupo.

Pagkatapos ay itinuon ni Mark ang atensiyon sa paghahanap ng atensiyon para kay Buboy. Mabuti na lamang at mayroon sila nung video game na gustong gusto ng pamangkin. Nang matapos sila ay masaya silang bumalik sa bahay.

Pumupuslit na parang mga magnanakaw, mabilis nilang inihilera ang mga regalo sa ilalim ng puno at nilagyan ng tanda na galing ang mga iyon kay Mark, Christian at Santa. Halos hating gabi na nang matapos sila.

Di na ako makapaghintay para sa susunod na pasko. Siguro kailangan nating bumili ng mas malaking Christmas tree at mas maraming dekorasyon.” sabi ni Mark. Ang tuwang nararamdaman ang nag-udyok sa kaniyang magsalita nang hindi man lang nagiisip.

Nang hindi sumagot si Christian makalipas ang ilang minuto, tinitigan niya ito at nakita ang isang malawak na ngiti. Puno iyon ng pag-asa ngunit mababakas rin ang pag-aalala. “Bakit?”

“Gusto ko – hindi, kailangan kitang – sabihin sa akin ang totoo.” sagot ni Christian “Gusto mo ba talagang umalis pag nakahanap ka na ng malilipatan?”

Natigilan si Mark, hindi alam ang isasagot. Hindi niya inaasahang magugustuhan niya ang pagtira kasama si Christian. Napamahal na siya sa anak nito at napamahal na rin siya sa bahay lalo na sa kusina kung saan maraming oras na ang pinagsaluhan nila bilang isang pamilya. Alam niyang masaya si Buboy dito. Nagkaroon ito ng malawak na bakuran at isang kapatid na babae dahil sa pagtira nila dito.

Gayun pa man, natatakot si Mark sa maaaring kalabasan ng magiging hakbang niya kung sakaling pairalin niya ang nararamdaman para kay Christian. Kung sakali mang hindi maging maayos ang relasyon nila, siguradong kakailanganin nilang umalis at mawawalan ng matalik na kaibigan si Buboy. Hindi niya iyon kayang gawin sa bata.

“Christian, gusto ko ang bahay mo, para itong panaginip. Pakiramdam ko rin na parang anak ko na si Kayla. Alam ko rin na masaya si Buboy dito.”

“Pero?”

“Pero, natatakot ako na baka magsawa ka nang kasama kami at gustuhin mong masolo ulit itong bahay. Tapos kailangan nating ipaliwanag sa mga bata kung bakit hindi na sila maaaring magsama at siguradong hindi nila maiintindihan. Hind ko kayang ilagay sila sa ganoong sitwasyon.” sagot ni Mark.

Pinagmasdan ni Christian si Mark, pinag-aralan ito bago tumango bilang tanda na naiintindihan niya ito. Alam niyang natatakot si Mark at nagtatago sa likod ng mga bata ngunit hindi niya hahayaang magpatuloy ito ng matagal.

Hindi alam kung ano ang susunod na gagawin, nagdesisyon si Mark na tunguhin ang kwarto. Hinayaan lang siya ni Christian na maglakad hanggang sa kalagitnaan ng sala bago tawaging muli ang pansin nito.

“Mark, sandali lang.” pagpigil nito habang naglalakad palapit kay Mark.

Huminto si Mark at hinarap si Christian habang naglalakd ito palapit sa kaniya. May kung ano sa mukha ni Christian na nakapagpatulala sa kaniya kaya hindi na niya naintindihan pa ang sinabi ni Christian.

“Ano?” tanong ni Mark.

“Sabi ko, may ‘mistletoe’,” pag-uulit ni Christian sabay turo sa kisame.

Hinayaan niya muna itong tumingala bago hilain at hinalikan. Mariin at mapagmahal. Kung ano man ang kalalabasan nito ay tatanggapin niya. Ang hinihintay niyang suntok o sampal mula kay Mark ay hindi dumating. Bagkus ay naramdaman niya itong gumanti sa kaniyang bawat halik. Naramdaman na lamang nila na naglalakad na sila palapit sa sofa habang magkalapat parin ang mga labi.

Nang makabawi, nagsimulang nagsimulang magsalita si Christian. “Salamat, Mark. Alam kong ayaw mong manatili dito sa bahay pero sana hayaan mo akong ligawan ka.”

“Hindi ko naman sinabing ayaw kong manatili dito ah. Natatakot lang ako na baka magsawa ka sa amin. Umaasa ako na sana maging magkaibigan parin tayo.”

At ngayon?” tanong ni Christian.

“Halata naman sigurong higit pa tayo ngayon sa magkaibigan,” sagot ni Mark. “At Ayoko namang maging friends with benefit.”

Natawa si Christian sa sagot ni Mark ngunit muling naging seryoso. “Makinig ka, matagal ko na itong gustong sabihin sa iyo. Gusto ko sanang gawing permanente na ang pagsasama natin dito sa bahay. Masaya akong nandito kayong dalawa ni Buboy. At hindi magbabago ‘yon.”

“Pa’no kung mag-away tayo at maghiwalay?”

“Matatanda na tayo. Alam ko namang hindi natin hahayaang masaktan ang mga bata para lang makaganti sa isa’t isa.”

“Sige,” Sagot ni Mark. “Dito na kami titira magmula ngayon.”

Napangiti si Christian sa sagot ni mark. Ngunit naisip niya na kung gusto niyang maging tapat si Mark sa kaniya ay kailangan niya ring maging tapat dito. Kaya matapos magbuntong hininga.

“Mark, kailangan ko ring aminin ito,” simula niya at pagkatapos ay kinuha ang magkabilang kamay ni Mark. “Matagal ko nang nararamdaman ito kaso hindi ko alam kung pano sasabihin sa iyo. Mahal kita at gusto kong magsimula ng panibagong buhay kasama ka. Alam kong biglaan ito at hindi ko inaasahang susuklian mo agad-agad ang nararamdaman ko. Pero sana lang ay bigyan mo ako ng pagkakataon.”

Ang boses ni Christian ay halos magmakaawa na na kumurot sa damdamin ni Mark lalo na’t ganun rin ang kaniyang nararamdaman. Gamit ang kaniyang daliri, pinahinto niya sa pagpapaliwanag si Christian.

“Tama na. Gusto kong manatili rito. Pero mas matutuwa ako kung dun na ako sa kwarto mo matutulog magmula ngayon kesa sa patago akong papunta doon pag tulog na ang mga bata na parang may ginagawa tayong masama. At kung hindi pa halata hanggang ngayon, mahal din kita. Di ako pumapayag na gawin ang ginawa natin kanina kasama ang taong di ko pa nakikilala sa loob ng isang taon o higit pa. At iyon ang patunay na ikaw na nga.”

“Kayla, gising na!” sigaw ni Buboy habang niyuyugyog ang balikat ng kaibigan niya.

“Bakit ba, Buboy?” tanong ni Kayla habang kinukuskos ang mga mata.

“Dumating siya. Dumating siya at binigay niya yung hiling natin.” Sinubukan ni Buboy na huwag sumigaw ngunit masyado siyang masaya. “Bilisan mo, kailangan mo tong makita.”

Halos kaladkarin na ni Buboy ang kaibigan niya papunta sa kwarto ng ama nito. Bahagya lamang na nakabukas ang pinto ngunit halatang ang ama ni Kayla at ang tito ni Buboy ay natulog ng magkayakap. Dahan-dahang naglakad patungo sa kusina ang dalawa upang maghanap ng makakain, kung saan nadatnan sila ng dalawa.

“Aya ba ninyong makita kung anong dinala ni Santa para sa inyo?” tanong ni Mark na nag-aalala.

“Nakuha na po namin kung anong gusto namin,” sagot ni Buboy na may kuntentong ngiti.

Tinitigan siya ni Mark ng may pagtataka ngunit bago pa niya tanungin ang pamangkin kung ano ang ibig nitong sabihin ay nagsalita na si Christian, “Kung ganon, tingnan nalang natin kung ano pa ang binigay niya sa inyo.”

Binitbit ni Christian ang anak, pagkatapos ay si Buboy at saka binitbit sila na parang mga sako ng patatas papunta sa sala.

Naaamoy na may alam si Christian, binigyan siya ni Mark ng isang nagtatanong ng tingin. Sinagot siya nito na ipapaliwanag mamaya bago ibinaba ang dalawang bata sa harap ng puno at gabundok na regalo.

Pinanood nilang dalawa ang dalawang bata na atakihin ang mga regalo. Di nagtagal ay nabalot na ang buong bahay ng tunog ng mga napupunit na papel na sinusundan ng masasayang tili mula sa mga bata. Ang bawat magagandang regalo ay nakatanggap ng masasayang sayaw, yakap at halik. Marami noon ang natanggap ng dalawang ama bago pa matapos ang umaga, lalo na ng ibalita nila sa dalawang bata na magsasama-sama na sila ng permanente.

Dear Santa,

Salamat po dun sa mga regalo ninyo sa amin nung nakaraang pasko. Masayang masaya na po ngayon si Tito Mark at Tito Christian. Pero sina Tito Joey at Tito Albert, yung mga kunwari po naming tito, nagtatanong kung maaari rin po ninyong hanapan ng makakasama. Kaya kung matutulungan po ninyo sila, talagang matutuwa sila.

At saka pwede po ba ninyo akong bigyan ng Power Rangers Battle Limited Edition tapos gusto po ni Kayla ng maliit na kabayo.

Salamat po ulit,

Robert Perez at Kayla Razon

Ito po ay pambato ko para sa Saranggola Blog Awards 2011.